Pilipinas, nakakaranas ng kakulangan sa supply ng bawang at sibuyas ayon sa DA

Nakakaranas na ng shortage ng bawang at sibuyas ang bansa.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na hindi na gaano nakakapag-produce ang local farmers ng bawang at sibuyas bunsod ng COVID-19 pandemic.

Aniya, nasa walong porsyento lamang ang napo-produce na bawang mula sa kabuoang konsumo habang nasa 85% naman sa sibuyas.


Dagdag pa ni Dar, target nilang maabot ang 10 hanggang 15% increase sa kanilang production ng sibuyas para mapunan ang shortage.

Sa bawang naman, aminado ang DA na magiging mahirap na i-angat ang produksyon nito.

Hinihimok ng ahensya ang publiko na magtanim ng gulay sa mga bakuran o backyard gardening para mapabuti ang food security sa mga bahay.

Tiniyak naman ng DA na sapat pa rin ang supply ng pagkain sa bansa sa kabila ng nararanasang pandemya.

Facebook Comments