Nakakuha ang Pilipinas ng suporta mula sa Canada ito ay ang $5.3 bilyong climate finance commitment.
Sa ulat ng Presidential Communications Office, ang gobyerno ng Pilipinas at United Nations Development Program kasama ang Canada ay nagtatrabaho para mabawasan ang climate change gap sa pamamagitan ng natured-based solutions projects na popondohan sa ilalim ng $5.3 bilyong climate finance commitment.
Ayon naman kay Global Affairs Canada Climate Finance Executive Director Andrew Hurst, ang Canada ay buo ang suporta sa Pilipinas para mai-promote ang biodiversity conservation, climate change mitigation, adaptation, and resilience na may konsiderasyon sa gender equality.
Sinabi pa ni Hurst na ang kanilang proyekto ay dumadaan sa research at knowledge sharing.