Nakakuha ang Pilipinas ng pinakamababang score sa COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia, isang news magazine na pagmamay-ari ng Japanese company na Nikkei Inc. sa Tokyo.
Sinusuri ng nasabing pag-aaral ang mga bansa at rehiyon sa infection management, pagbabakuna at social mobility.
Nanguna sa ranking sa COVID-19 Recovery Index ang Malta, isang bansa sa Europe na may score na 73.
Pangalawa at pangatlo ang Chile at Bahrain na may score na 72 habang pang-apat ang United Arab Emirates na may score na 71.
Pasok din sa Top 10 ang Saudi Arabia (70.5), Portugal (68.5), Hong Kong (68), Qatar (68), China (67.5), Hungary at Uruguay na kapwa may score na 67.
Pinakakulelat naman ang Pilipinas o pang-121 sa score na 30.5.
Bagsak din sa ranking ang Benin sa West Africa (35), Jamaica (35), Romania (34.5), Venezuela (34.5), Angola (34), Barbados (34), Vietnam (33), Gabon sa Central Africa (32.5) at Laos (31.5).