Pilipinas, nakakuha ng suporta sa Czech Republic sa isyu ng South China Sea

Nakakuha ng suporta ang Pilipinas sa Czech Republic sa isyu ng South China Sea, kasunod ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bansa.

Sa joint press conference sa Prague, sinabi ni Czech President Petr Pavel, suportado nila ang Pilipinas pagdating sa karapatan ng malayang kalakalan at matiyak ang global stability.

Bukas din aniya ang Czech Republic sa kooperasyon sa depensa, cybersecurity, at pag-develop ng makabagong teknolohiya.


Sinabi naman ni Pangulong Marcos, na ang talakayan nila ni Pavel tungkol sa South China Sea ay para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Nakita aniya ni Pavel ang pagkakahalintulad ng Czech at ng Pilipinas sa mahigpit na pagsunod nito sa international law.

Facebook Comments