Pilipinas, nakapagsagawa na ng 500,000 COVID-19 test ayon kay NTF Chief Implementer Galvez

Umabot na sa kalahating milyong indibidwal ang isinailalim sa test para sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., aabot na sa 553,197 individual ang na-test para sa nasabing sakit.

Naabot din ng Pilipinas ang 15,000 actual tests na record-high noong June 16, 2020.


Dagdag pa ni Galvez, inaasahang darating sa bansa ang 230,857 RT-PCR test kits na kayang makapag-test ng 8,544,284 individuals.

Ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) ay bibili ng higit 15,000 test kits para sa 1,293,750 individuals.

Sa ngayon, mayroong 46 certified RT-PCR laboratories at 16 GeneXpert Laboratories ang bansa.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 28,459 COVID-19 cases sa bansa, 7,738 ang gumaling at 1,130 ang namatay.

Facebook Comments