Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng dalawang kaso ng COVID-19 Indian variant sa Pilipinas.
Ang mga nagpositibo sa B.1.617 variant ay mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na kabilang sa limang Pilipinong inobserbahan ng Philippine Genome Center makaraan silang magpositibo sa COVID-19.
Dumating sila sa Pilipinas noong Abril bago pa man nagpatupad ng travel ban sa India.
Hindi naman tinukoy ng DOH ang pagkakakilanlan ng dalawang OFW.
Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na apat sa limang tinamaan ng COVID-19 ang gumaling at nakatapos na sa kanilang quarantine.
“Apat sa kanila ay recovered na, yung isa na lang ang aktibong kaso pero natapos na rin nila kahapon yung kanilang isolation. Sila po ay bumalik na sa kanilang local government at nagkaroon pa rin ng additional quarantine period sa kanilang LGUs,” ani Vergeire.