Pilipinas, nakapagtala na ng unang kaso ng FE.1 Omicron Subvariant – DOH

Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng Omicron Subvariant na FE.1, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling ulat ng bio surveillance ng COVID-19 ng DOH, ang FE.1 ay isang sub lineage ng XBB, na idinagdag sa listahan ng tinututukang variant ng European Center for Disease Prevention and Control noong June 1.

Sa ngayon, ang FE.1 ay na-detect sa 35 bansa o hurisdiksyon sa 6 na kontinente.


Maliban dito nakapagtala rin ang DOH ng 2,215 na iba pang kaso ng omicron subvariant sa bansa.

Facebook Comments