Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawa pang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Dahil dito, tatlo na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, ang dalawang kaso ay edad 34 at 28 na kapwa may travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Tumanggi naman si Vergeire na magbigay ng iba pang detalye tungkol sa mga pasyente.
Sumasailalim na sa home isolation ang 34-anyos na pasyente habang nasa healthcare facility ang 29-anyos na pasyente.
Hindi bababa sa 17 close contacts ang bine-verify sa nagpapatuloy na contact tracing ng DOH.
Facebook Comments