Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,483 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na nakapagtala ang Pilipinas ng higit 1,000 kaso.
Dahil dito, umakyat na sa 17,994 ang aktibong kaso ng virus, habang nasa 4,045,358 na ang kabuuang kaso sa buong bansa.
Ayon sa DOH, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na naitalang kaso sa loob ng dalawang linggo na nasa 5,424.
Sinundan naman ito ng Calabarzon na may 2,153; Central Luzon na may 1,080; Western Visayas na may 880; at Cagayan Valley na may 779.
Facebook Comments