Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pumalo ang remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa US$3.49-B noong December.
Ito ang record-high na naitala ng BSP sa kasaysayan kung saan mas mataas ito ng 5.7% kumpara sa US$3.30 billion noong 2021.
Ang naturang remittances ay mula sa land-based Pinoy workers na may kontratang mahigit isang taon sa abroad.
Gayundin sa sea at land-based OFWs na may kontratang less than one year.
Bunga nito, umabot sa kabuuang US$36.14 billion na remittances ang bumuhos sa Pilipinas noong nakalipas na taon.
Mas mataas ito ng 3.6% kumpara sa US$34.88 billion remittance flows noong 2021.
Sa harap na rin ito ng pagbukas ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa kasabay ng pagtaas ng demand ng foreign workers.
Facebook Comments