Pilipinas, nakapagturok na ng mahigit 70 milyong doses ng COVID-19

Umabot na sa 70,677,771 doses ng COVID-19 ang naiturok sa Pilipinas.

Sa datos na inilabas ng national task force ngayong araw, nasa 31,868,120 na ang Pilipinong fully vaccinated kontra COVID-19.

Tiwala naman si Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na mabibigyan na ng unang doses ang 54 million Pilipino bago matapos ang Nobyembre.


Tinatayang aabot pa sa 124,914,000 doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa sa mga susunod na araw.

Patuloy naman ang paghikayat ni Galvez sa mga Pilipinas na suportahan ang nalalapit na 3-day national vaccination drive na may temang “Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Days” at magaganap mula November 29 hanggang December 1.

Facebook Comments