Pilipinas, nakapila na rin para sa pagbili ng anti-Omicron vaccines

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kabilang ang Pilipinas sa mga mangunguna sa pagbili ng ‘Omicron adapted vaccines’

Partikular ang ‘new generation vaccines’ mula sa mga bansang nagma-manufacture nito.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpapatuloy ang paggawa ng mga bagong formulation ng mga bakuna para sa Omicron variants.


Inaasahang lalabas ang naturang mga bakuna sa ikaapat na quarter ng taong kasalukuyan.

Agad naman aniyang magbibigay ng rekomendasyon ang Food and Drugs Administration sa expert panel ng Health Technology Assessment Council (HTAC) para mapabilis ang pagbibigay ng bagong Emergency Use Authorization.

Facebook Comments