Kampante ang Palasyo na susulong ang request ng Pilipinas sakaling humirit ang bansa ng tulong mula sa United Nations COVID-19 Response and Recovery Fund.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, mayroon kasing permanenteng misyon ang Pilipinas sa United Nations, kaya’t tiwala ito sakaling mag-request ang bansa sa ilalim ng programa ay uusad ito sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) patungo sa UN.
Paliwanag ng kalihim, malaking tulong ito sa mga medium at low income countries tulad ng Pilipinas na panlaban sa COVID-19.
Facebook Comments