Manila, Philippines – Nakuha ni Kristian Narca ang silver medal sa (boys-48kgs) habang bronze medal naman ang nakuha nina Rosemarie Recto sa (girls-51kgs) at Felex Dave Cantores sa (boys-60kgs) ginanap na 1st World Youth Martial Arts.
Sinabi ni Muay Thai Association of the Philippines (MAP) secretary general Pearl Managuelod, nakatutuwa at maipagmamalaki ang napakagandang performance ng koponan, na araw araw na nag ensayo para makapagbigay ng karangalan sa ating bansa.
Umaasa ang opisyal na ito na ang simula ng tagumpay sa Muay Thai, dahil may malinaw na kinabukasan ang mga atletang pinoy sa sports na ito.
Ang Jincheon 1st World Youth Martial Arts Mastership ay ginanap sa South Korea mula Nobyembre 3 hanggang 7.
Ang naturang kompetisyon ay nilahukan ng mahigit sa 600 atleta mula sa 30 bansa.