Pilipinas, nakatanggap ng higit 200 rekomendasyon mula sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council

Manila, Philippines – Nakatanggap ang Pilipinas ng nasa 257 rekomendasyon mula sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council kaugnay ng ‘war on drugs’ at extrajudicial killings.

Ang mga rekomendasyon ay galing sa 95 estado kung saan bibigyan ang Pilipinas ng hanggang Setyembre para tugunan ang mga rekomendasyon.

Tiwala si Senador Allan Peter Cayetano na tama ang mga iniulat nito sa un Human Rights Council.


Hiling ni Cayetano – maging independent at patas ang planong gawing imbestigasyon sa Pilipinas ukol sa mga akusasyon ng extrajudicial killings.

Binanatan din ni Cayetano si UN special rapporteur Agnes Callamard dahil hindi pa man ito nagsasagawa ng imbestigasyon, tila may nabuo nang negatibong imahe tungkol sa bansa.

Kinuwestyon din ni Cayetano ang kakayahan ni Callamard na magsagawa ng imbestigasyon lalo’t napag-alamang hindi extrajudicial killings o illegal na droga ang expertise nito.

Samantala, sinabi naman ng Chinese Foreign Ministry, nakikita nila ang pagsisikap ng Pilipinas na itaguyod ang karapatang pantao.

Suportado rin ng China ang pagsisikap ng ating gobyerno at ang legal nitong pagresolba sa mga krimeng dulot ng droga.

Dapat irespeto ng ibang bansa ang soberenya ng Pilipinas.
DZXL558

Facebook Comments