Pilipinas, nakiisa sa International Coastal Cleanup

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na itapon ng maayos ang “Coronavirus wastes” tulad ng single-use face masks at gloves na nagiging bagong uri ng polusyon na nagiging banta sa marine life at ecosystems.

Ito ang panawagan ni Environment Secretary Roy Cimatu kasabay ng pakikiisa ng Pilipinas sa International Coastal Cleanup (ICC), isang global campaign na layong protektahan ang karagatan.

Ayon kay Cimatu, nagiging bagong banta sa buhay ng marine animals ang medical wastes.


Pangungunahan ng DENR ang cleanup activity sa Manila Bay sa Roxas Boulevard pero walang malakihang pagtitipon na magaganap.

Hinikayat ni Cimatu ang volunteers na magsagawa ng ligtas at maliliit lamang na cleanups, o maaari ring simulan sa mga bahay na magbawas sa paggamit ng plastic.

Binigyang-diin ni Cimatu na tungkulin ng lahat na linisin ang mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Pagkatapos ng cleanup, tutungo si Cimatu sa beach nourishment project sa Manila Bay para silipin ang nagpapatuloy na operasyong pagtatambak ng dolomite sand sa 500-metrong haba ng bay area.

Ang Biodiversity Management Bureau (BMB) ay magsasagawa naman ng webinars at virtual mini-concert.

Facebook Comments