Ipinaabot ng Pilipinas sa international community ang pakikiisa nito sa ika-42 anibersaryo ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa statement na binasa ni Foreign Affairs Spokesperson Ambassador Teresita Daza, sinabi nito na sa nakalipas na tatlong dekada, naninindigan ang Pilipinas sa commitment nito sa convention.
Nananatili rin aniyang bukas ang Pilipinas sa ano mang mapayapang solusyon sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.
Ito ay bagama’t naninindigan din ang Pilipinas sa panawagan na pagtalima ng mga partido 2016 arbitral award.
Idinagdag ni Ambassador Daza na patuloy ang kolaborasyon ng Pilipinas sa mga bansa at organisasyon na may kaparehong adhikain sa pag-promote at sa pagprotekta sa karagatan.
Facebook Comments