Manila, Philippines – Kasama ang international community, nakikiisa na rin ang Pilipinas sa pagkundena sa suicide bombings ng Islamic extremists sa Nigeria at Pakistan na ikinasawi mahigit limampu katao at ikinasugatan ng mahigit isang daan.
Ayon sa Dept. of Foreign Affairs,hindi malayo sa nangyayari ngayon sa Maraw City ang naturang terror acts.
Nabatid na isang babaeng suicide bomber ang nag-detonate ng bomba sa isang palengke sa Maidoguri ,northeast Nigeria kung saan dalawampu’t pito ang nasawi at marami ang nasugatan.
Sa Pakistan naman isa ring suicide bomber ang umatake sa military convoy na Ikinasawi ng labing-lima katao at ikinasugatan ng mahigit apatnapung iba pa.
Una nang nanawagan ang DFA sa sampung milyong mga Pilipino sa buong mundo na maging alerto sa harap ng serye ng terror attacks sa iba’t ibang bansa.