Pilipinas, nakikipag-coordinate sa US para sa ASF vaccine trials

Nakikipag-coordinate na ang Pilipinas sa Estados Unidos para sa pagsasagawa ng vaccine trials laban sa African Swine Fever (ASF).

Ang ASF vaccine working committee ng Department of Agriculture (DA) ay nakikipag-usap na sa US counterpart nito.

Ayon kay Agriculture Undersecretary William Medrano, handa na ang pondo para sa licensing agreement para dito.


Target nilang maumpisahan ang vaccine trials bago matapos ang taon.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan din ang DA sa Pribright Institute sa United Kingdom para sa kahalintulad na ASF vaccine trials.

Gayumpaman, hinikayat ng DA ang hog raisers na simulan na ang repopulation ng kanilang mga alagang baboy at sundin ang biosafety protocols habang hinihintay ang bakuna.

Facebook Comments