Pilipinas, nakikipag-negosasyon na sa anim na COVID-19 vaccines makers

Sinimulan na ng pamalahaan ang pakikipag-negosasyon sa anim na COVID-19 vaccine makers.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang gobyerno ay may portfolio ng vaccines na ibig sabihin ay marami tayong pagkukuhanan ng bakuna sa iba-ibang mga manufacturer.

Oras na isapinal na ang negosasyon, maaaring makakuha ang bansa ng 148 million vaccine doses mula sa Novavax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac, at Gamaleya.


Maliban sa bilateral negotiations, sinabi ni Galvez na makakatanggap din ng 20 percent doses ng kabuuang populasyon ng bansa ng bakuna o katumbas ng 22 milyong mga Pilipino sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Facebook Comments