Pilipinas, nakikipag-negosasyon sa Germany para sa deployment ng Pinoy skilled workers

Kinumpirma ng Labor Department ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Germany para sa bagong kasunduan sa pagpapadala ng Filipino skilled workers sa Germany.

Bukod ito sa deployment ng Pinoy nurses sa nasabing bansa.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na bukod ang labor agreement sa pag-recruit ng Filipino healthcare professionals, sa kasunduan sa deployment ng skilled workers.


Kabilang sa natukoy na pilot sectors sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Germany ay sa hotel service, electrical engineering at mechanics, sanitation, heating ay air conditioning, gayundin ang child care.

Tiniyak ni Bello na maisasapinal ang naturang mga kasunduan sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments