Pilipinas, nakikipag-ugnayan sa 16 na iba pang COVID-19 vaccine developers

Kasalukuyang nakikipag-usap ang Pilipinas sa iba pang vaccine developers sa iba pang panig ng mundo para sa kanilang candidate vaccine para sa COVID-19.

Ito ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) sa gitna ng napipintong pagsasagawa ng Phase 3 clinical trials sa Russian Vaccine na “Sputnik V.”

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 16 vaccine manufacturers ang kinakausap ng bansa sa ilalim ng bilateral partnership.


Bukod dito, kasali rin ang Pilipinas sa COVAX Facility na gumagarantiya ng patas na access sa COVID-19 vaccine.

Kalahok din ang Pilipinas sa solidarity trial for vaccines ng World Health Organization (WHO).

Nakikipag-ugnayan din ang Pilipinas sa US-based company na Moderna para sa kanilang candidate vaccine.

Pagtitiyak ng DOH, ang lahat ng bakuna para sa COVID-19 ay sasailalim sa mahigpit na regulatory process sa bansa.

Facebook Comments