Iginiit ng Department of Health (DOH) na patuloy na nakikipagkarera ang Pilipinas laban sa mga COVID-19 variants of concern.
Ito ang sinabi ng kagawaran kahit nagkakaroon na ng pagpatag ng kaso sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangang maiwasan sa Pilipinas ang COVID-19 surges na kasalukuyang nararanasan ng ibang bansa dahil sa Delta variant.
Hindi dapat masayang ang mga hakbang para mapatag ang kaso sa Luzon, lalo na sa Metro Manila, maging sa Visayas at Mindanao.
Binigyang diin ng DOH ang mahigpit na border controls, pagsunod sa health protocols, at pagpapalakas ng health system capacities.
Facebook Comments