Aabot sa 1,245 clusters ng COVID-19 cases ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Sa datos ng DOH, 1,054 o halos 85% ng clusters ay matatagpuan sa mga komunidad na sinundan ng 68 clusters sa mga hospital o health facilities, 30 sa mga bilangguan at 93 sa iba pang lugar.
Karamihan ng clustering ng cases ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR), Region 4A, Region 7 at Region 3.
Sa apat na rehiyon, maraming bilang ng clusters ay nasa mga komunidad.
Sa depinisyon ng World Health Organization (WHO), ang clustering ng cases ay isang transmission category kung saan ang mga lugar ay nakararanas ng pagkukumpol ng COVID-19 cases.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay resulta ng community transmission.