Nanguna ang Pilipinas sa bilang may pinakamaraming volunteer na sumama para sa paglilinis ng karagatan at ilog noong nakaraang taon.
Ito ang nilalaman ng inilabas na report ng Ocean Conservancy 2020.
Sa naturang report, umabot sa 280,309 ang mga Pinoy na kusang loob na sumama para tumulong sa paglilinis ng mga coastal areas sa buong bansa.
Habang umabot sa 8,238, 593 na piraso ng mga basura ang nakolekta sa iba’t-ibang pampang ng dagat at ilog.
Samantala, umabot naman sa 943,195 ang kabuuang bilang ng mga volunteers sa buong mundo na sumama sa International Coastal Clean Up noong nakaraang taon.
Sa linggo, September 20 ay muli na namang magkakaroon ng International Coastal Clean Up kung kayat nananawagan din ang DENR na sumama sa paglilinis at pag-aalaga sa mga karagatan sa bansa.