Pilipinas, nalagpasan na ang 9,000 COVID-19 test kada araw – DOH

Naabot na ng Pilipinas ang pagsasagawa ng higit 9,000 test kada araw para sa coronavirus disease.

Nabatid na target ng pamahalaan na maabot ang 15,000 test kada araw bukas, May 15, habang 30,000 test sa May 30.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang mga lisensyadong laboratoryo sa bansa ay nakakapagsagawa na ng 9,465 test.


Nasa 31 ang sertipikadong COVID-19 testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan ang pinakahuli ay ang laboratoryo ng Divine World Hospital sa Tacloban, Leyte.

Nasa kabuoang 102 na iba pang pasilidad ang sumasailalim sa five-step laboratory accreditation process, 80 laboratoryo ang nasa stage 3 at pataas.

Nasa 184,857 ang sumailalim sa test, 91% ang negatibo at 9% ang positibo.

Sa huling datos ng DOH, nasa 11,876 ang COVID-19 cases sa bansa, 2,337 ang gumaling habang 790 ang namatay.

Facebook Comments