Pilipinas, nananatili pa ring nangunguna sa pagsugpo ng human trafficking ayon sa US State Department

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa sumusugpo ng human trafficking ayon sa 2021 Trafficking In Persons (TIP) Report ng US State Department.

Sa ulat na inilabas ng US State Department, pinaigting ang tugon ng awtoridad ng bansa ang kapasidad ng anti-trafficking lalo na ngayong pandemya.

Kasama rin sa pagsisikap ng aksyon ng awtoridad ay ang pag-uusig ng trafficker kung saan na nahatulan ang karamihan sa mga ito.


Samantala, aabot sa isang libo na biktima ng trafficking ang nailigtas at nabigyan ng tirahan sa service center sa Maynila dahil din sa pagdami ng staff member ng anti-trafficking task forces.

Facebook Comments