Pilipinas, nananatili sa kategorya ng Qatar bilang Special Risk 6-Country Zone

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Qatar na nananatili pa rin ang Pilipinas sa talaan ng nasabing bansa bilang Special Risk 6-Country Zone.

Kabilang din sa nasabing kategorya ang Bangladesh, India, Nepal, Pakistan at Sri Lanka.

Bunga nito, ang mga pasaherong magmumula sa mga nabanggit na bansa kasama na ang Pilipinas ay sakop ng restriction hinggil sa mga bakunado ng brand na hindi aprubado ng Pamahalaan ng Qatar.


Nangangahulugan ito na sila ay sasailalim sa quarantine pagdating sa Qatar at otomatikong sasailalim sa RT-PCR test.

Facebook Comments