Pilipinas, nananatili sa moderate risk ng COVID-19 ayon sa OCTA Research Team

Binigyang-diin ngayon ng OCTA Research Team na nananatili sa moderate risk ng COVID-19 ang Pilipinas.

Para kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, moderate risk para sa pangkalahatan ang assessment nito sa lagay ng COVID-19 sa bansa, batay sa whole-of-nation-approach.

Giit ni David, hindi maaaring ilagay sa low risk tulad ng sinasabi ng Department of Health (DOH) dahil may mga high risk area pa rin.


Bagama’t bumaba na sa 5% ang COVID-19 positivity rate ng bansa, sinabi ni David na nasa low to moderate risk sa infections pa rin ang National Capital Region.

Base na rin ito aniya sa kanilang indicator na kinabibilangan ng reproduction number; infection rate; average daily attack rate (ADAR); hospital utilization; at positivity rate.

Facebook Comments