Pilipinas, nananatiling avian influenza-free – BAI

Tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nananatiling avian influenza-free ang Pilipinas.

Ito ay matapos maitala ang unang kumpirmadong kaso ng H10N3 na strain ng avian influenza sa tao sa China.

Ayon kay Bureau of Animal Industry Director Dr. Reildrin Morales, patuloy na umiiral ang poultry ban ng Pilipinas sa China dahil sa iba’t ibang strain ng avian influenza doon.


Patuloy rin aniya silang nakikipagtulungan sa Bureau of Customs (BOC) para bantayan ang pag-smuggle ng mga produkto galing sa mga bansa na may avian influenza.

Nakiusap naman si Morales sa mga uuwi sa Pilipinas na huwag magdala ng mga produkto galing sa mga bansang may kaso ng avian influenza.

Facebook Comments