Pilipinas, nananatiling “bullying capital of the world” —EDCOM-2

Nananatili pa rin ang Pilipinas bilang “bullying capital of the world,” ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM-2).
 
Pinagbasehan ng EDCOM-2 ang datos ng Programme for International Student Assessment (PISA), Department of Education at De La Salle University kung saan dalawa hanggang tatlong grade 5 students ang nakakaranas ng bullying kada buwan.
 
Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni EDCOM-2 Executive Director Dr. Karol Mark Yee, katumbas ito ng 63% ng mga mag-aaral sa grade 5 na nagsabing nakaranas sila ng pangha-harass, pagbabanta, paninira at pananakit mula sa kanila mga classmate.
 
Bunsod nito, iginiit ng opisyal ang kahalagahan ng pagtutok sa mental health ng mga kabataan ng mga guidance counselor.
 
Pero batay sa datos ng DepEd, nasa 5,001 lang ang registered guidance counselors at 3,000 ang psychologists para sa mahigit 47,000 paaralan.
 
Kulang pa ng 4,460 na mga guidance counselor para mapunan ang pangangailangan ng mga paaralan sa buong bansa.

Facebook Comments