Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang panganib ng Pilipinas sa COVID-19 sa kabila ng pagtaas ng mga kaso sa buong mundo ng bagong variant na “FLiRT”.
Mahigpit na mino-monitor ng DOH ang sitwasyon at nakikitang hindi pa kinakailangan ng mga paghihigpit sa paglalakbay.
Ayon sa datos ng DOH, magmula May 14 hanggang May 20, ang average daily cases ng COVID-19 ay nasa 202 na lamang, mas mababa mula sa huling datos na 500 cases at noong nakaraang taon na umabot sa 1,750.
Mula rin sa mga bagong naiulat na kaso, mayroong labing anim ang malubha o kritikal, at 12 naman ang nasawi.
Binigyang-diin naman ng DOH na walang pang patunay na ang KP.2 AT KP.3 variant ay nagdudulot ng matinding karamdaman, sa kabila nito ay patuloy na hinihimok ang publiko na magsuot pa rin ng face mask, maghugas ng kamay, at panatilihin ang physical distancing.