Kinumpirma ni Dr. Rontgene Solante, infectious diseases specialist ng San Lazaro Hospital na wala pang nakakapasok na kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Dr. Solante na dapat itong paghandaan at palaganapin pa ang kaalaman ng publiko sa pag-iwas sa nasabing virus.
Nilinaw rin ni Dr. Solante na hindi bagong virus ang monkeypox.
Una nang ideneklara ng World Health Organization (WHO) na global health emergency ang pagkakalat ng monkeypox virus
Ang monkeypox ay itinuturing din na serious infection bagama’t may bakuna na para dito.
Facebook Comments