Pilipinas, nananatiling nasa high-risk ng COVID-19 – DOH

Nananatili pa ring nasa high risk ng COVID-19 ang Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumaas ng 32% ang kaso sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo kumpara sa 72% noong nakaraang tala.

Nakapagtala rin ng 15.79 kaso sa kada 100,000 ng populasyon noong August 23 hanggang September 5, mas mataas kumpara sa 11.96 na naitala noong August 9 hanggang 22.


Bagama’t mabagal ang pagdami ng kaso sa mga rehiyon, masasabi pa ring nasa high risk ang occupancy rate ng mga ICU beds, ward beds, at mechanical ventilators sa buong bansa.

Maaari namang tumaas ang mga kaso sa susunod na mga linggo dahil sa mabilis na paglaganap ng Delta variant.

Ang mga lugar naman na itinuturing na high risk areas ay ang; National Capital Region (NCR), Calabarzon, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Northern Mindanao, Ilocos Region, Davao Region, Caraga, Western Visayas, at Soccsksargen.

Facebook Comments