Nanatiling nasa low risk classification ang Pilipinas sa COVID-19.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na 3.13 ang average daily attack rate (ADAR) ng bansa sa bawat 100,000 populasyon.
Sa kabila nito, ayon kay DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nasa moderate risk and Cordillera Administrative Region (CAR) sa COVID-19 dahil nakapagtala ito ng ADAR na 6.10 gayundin ang National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 8.67 na ADAR.
Habang nananatili sa low risk ang iba pang rehiyon sa bansa.
Samantala, nakapagtala ang bansa ng 25,967 kaso ng COVID-19 mula July 29 hanggang August 4, mas mataas ng 16% noong nakaraang linggo.
Facebook Comments