Pilipinas, nananatiling nasa moderate risk para sa COVID-19 infections – OCTA Research

Nananatiling nasa “moderate risk” ang COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa special report ng OCTA Research Group mula June 27 hanggang July 3, ang daily incidence rate ay nasa 5.06.

Ang daily incidence rate ay ang risk level batay sa bilang ng seven-day average ng daily new cases per 100,000 population.


Ang daily incidence na mababa sa 1 ay ikinokonsiderang low; ang 1 hanggang 10 ay ikinokonsiderang medium o moderate; 10 hanggang 25 ay high; 25 hanggang 75 ay very high; at ang mga higit 75 ay severe.

Ang OCTA Research ay gumagamit ngayon ng sarili nitong metrics para i-assess ang risk level ng bansa.

Gamit ang COVID Act Now metrics ng OCTA Research, maliban sa daily new cases, infection rate, at positivity rate, nagdagdag sila ng tatlong metrics: ang ICU capacity; percent vaccinated, at vulnerability o ang abilidad ng isang lugar na makabangon sa pandemya.

Ang COVID Act Now ay mula sa risk metrics na dine-develop ng Harvard Global Health Institute at Harvard Edmond J. Safra Center for Ethics, sa kolaborasyon ng Bloomberg, Apple, Microsoft, at iba pa.

Ang incidence rate ay ang average daily attack rate o ADAR ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, ang ADAR sa bansa ay nasa 5.42 o itinuturing na low risk para sa COVID-19.

Facebook Comments