Pilipinas, nananatiling pangalawa sa world’s second top banana exporter nitong 2020

Nananatiling world’s second top banana exporter ang Pilipinas para sa taong 2020 ayon sa International Trade Centre (ITC).

Ito ay matapos makapag-export ang bansa ng nasa 3.725 million metric tons (MMT) noong nakaraang taon.

Ecuador naman ang nanguna na may kabuuang banana export na 6.431 MMT habang nasungkit ng Guatemala ang ikatlong puwesto.


Samantala, nakaranas naman ng matinding pagbaba ng shipment ang pagluluwas ng mga saging sa mga pamilihan bunsod ng mababang produksiyon nito sa bansa.

Facebook Comments