Manila, Philippines – Wala pang naitatalang kaso ng “black plague” o pneumonic plague sa Pilipinas.
Ito ang binigyan diin sa interview ng RMN Manila ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng pagpapakalma nito sa publiko kaugnay ng napaulat na dalawang kaso ng pneumonic plague sa China.
Ayon kay Duque – walang dapat ikabahala ang publiko dahil nagagamot na ang nasabing sakit at wala pang ulat na may namatay dahi dito.
Sinabi pa ni Duque na lumalala o kumakalat lang ang sakit kung walang bakuna o napapabayaan ang kalusugan.
Ang karaniwang sintomas ng pneumonic plague ay lagnat, pananakit ng katawan, pagkahilo at pagsusuka.
Facebook Comments