Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpapatuloy bilang isang responsableng kapitbahay ang Pilipinas sa Indo Pacific Region.
Pahayag ito ng pangulo sa kanyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Indo Pacific Command sa Hawaii.
Giit ng pangulo na palaging isusulong ng Pilipinas ang bukas na pakikipag-ugnayan upang masiguro ang mapayapa, matatag at maunlad ang Indo Pacific Region sa ilalim ng rules based international order.
Palaging hahanap aniya ng mga paraan ang Pilipinas upang makipag-tulungan sa ibang mga bansa sa layuning magkaroon ng kapaki-pakinabang na resulta ang dayalogo.
Naniniwala naman ang pangulo na kung magtutulungan ang lahat, batay sa rules based international order, makatitiyak aniya ito ng isang kapaligiran na maginhawa ang lahat ng bansa at mamamayan nito.