Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagsisimula ng 14th Edition ng Internatiomnal Conference of Information Commissioners o ICIC sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay.
Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nag-host ng ICIC matapos maging host ng event ng nakaraang taon na ang Mexico.
Ang conference ay dinaluhan ng 120 delegado mula sa 50 access to information implementing offices sa Amerika, Africa,Asia, Europe at Pacific Islands.
Sa talumpati ng pangulo sa ginanap na opening ceremony sa PICC, nagpaabot ito ng pagbati sa mga conveners at leaders ng ICIC dahil sa patuloy na pag-promote ng karapatan ng bawat isa na magkaroon ng freedom of expression.
Muling pinagtibay ng pangulo ang commitment ng Pilipinas para mapanatili ang pagsulong ng karapatang pantao na makakatulong para makagawa ng informed decision at pakikiisa sa demokratikong proseso.
Sa Pilipinas ayon sa pangulo ay kinakailangan nang maging operationalized ang karapatang makapag access ng public information sa ilalim ng Freedom of Information o FOI program.
Sa katunayan ayon sa Presidente kabilang sa Philippine Development Plan for 2023 hanggang 2028 ang commitment na pagsulong sa Freedom of Information Law.