Pilipinas, nanatili sa ika-pitong pwesto sa pinakamalalang bansa pagdating sa pagresolba sa kaso ng media killings

Nanatili sa ika-pitong pwesto ang Pilipinas sa pinakamalalang bansa pagdating sa usapin ng pagresolba sa kaso ng media killings.

Ito ay batay na rin sa inilabas na report ng New York City-based na Committee to Protect Journalists (CPJ).

Sa kanilang latest World Impunity Index, labing tatlo (13) pang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa ang hindi pa nalulutas.


Batay sa CPJ data, 85 na journalists ang pinaslang mula 1992 hanggang 2021.

Samantala, nanguna pa rin sa listahan ng unresolved media killings ang bansang Somalia, sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan at Mexico.

Binigyang-diin din sa ulat ang pagtaas na media threat sa Afghanistan matapos ang pagsakop ng Taliban noong Agosto.

Facebook Comments