Nanatili pa ring pinakadelikadong bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga nais protektahan ang kalikasan ayon sa isang international rights watchdog.
Batay sa ulat ng Global Witness, noong nakaraang taon ay umabot sa 29 ang nasawi na nagbabantay sa kalikasan.
Nanguna naman sa buong mundo ang Colombia kung saan mayroong 65 na land and environmental defenders ang nasawi.
Sinundan ito ng Mexico, Brazil, Honduras, Democratic Republic of Congo, Guatemala, Nicaragua, Peru, India at Indonesia.
Ayon sa Global Witness, 70% ng mga biktima ay nasawi mula sa mga iligal na gawain sa kalikasan tulad ng deforestation at industrial development.
Nabatid ding ilan sa mga namatay ay dahil sa pagprotekta sa mga ilog, coastal areas at karagatan.
Samantala, nakapagtala naman ang Global Witness ng aabot sa 227 na environmental defenders na nasawi sa buong mundo nitong 2020.