Pilipinas, nanatiling isa sa pinakamataas sa Asya pagdating sa tinatawag na “inflationary pressures”

Nananatili pa rin ang Pilipinas sa isa sa pinakamataas sa mga bansa sa Asya pagdating sa tinatawag na inflationary pressures sa gitna ng patuloy na pagtaas ng ilang pangunahing bilihin.

Ayon sa isang market research group, nito lamang linggo nakapagtala ang Pilipinas bilang second-highest aggregate score na 103.3 sa mga ranking sa inflationary pressures kung saan pinakamataas ang Singapore.

Lumalabas din sa pag-aaral na ang Pilipinas ay masyadong exposed sa higher food prices lalo na sa presyuhan ng bigas.


Ang mataas kasi na presyo ng ilang pangunahing pagkain ay nagdudulot ng mas mataas na inflation, kaya naman ito ang nagiging dahilan sa importasyon.

Facebook Comments