Manila, Philippines – Hinikayat ngayon ng DSWD at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga magulang na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak sa kanilang paggamit ng internet upang maprotektahan sa tinatawag na child pornography at posibilidad na masadlak sa child prostitution.
Sa unang anibersaryo ng Safer Internet Day for Children Philippines, sinabi ni Assistant Secretary Glenda Relova na batay sa records ng UNICEF, pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa na may mataas na kaso ng child prostitution.
At pang-10 sa mga bansa na may talamak na kaso ng Child Pornography.
Karamihan sa mga mabibiktima ay nasa edad na 13 hanggang 17.
Ayon sa DSWD, kabilang sa palatantadaan o red flag sa sexual abuse sa online ay: pasikreto na paggamit ng internet na malimit ay sobrang oras na babad ng bata sa internet.
Kapansin pansin din na pagiging tahimik at matatakutin sa otoridad ng mga bata.