Iginiit ng Department of Health (DOH) na ang pangangailangan ng Pilipinas para sa healthcare workers ay dapat iprayoridad.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, nangangailangan ang bansa ng mas maraming health workers sa laban kontra COVID-19.
Aniya, maraming probinsya sa bansa ang nangangailangan ng dagdag na healthcare workers para rumesponde sa pandemya.
Ipinaprayoridad ngayon ang deployment ng nurses sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nabatid na umapela ang Filipino Nurses United (FNU) sa pamahalaan na bawiin ang deployment ban para sa healthcare workers.
Facebook Comments