Friday, January 23, 2026

Pilipinas, nanganganib na magkaroon ng kakulangan sa hotel rooms sa taong 2028 dahil sa pagdagsa ng mga turista —DOT

Kinumpirma ng Tourism Department na nahaharap ang Pilipinas sa shortfall ng hotel rooms sa pagsapit ng taong 2028.

Sa harap ito ng paglobo ng bilang ng mga turistang dumaragsa sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Tourism, sa ngayon, ang Pilipinas ay may kabuuang bilang na 335,592 hotel rooms sa buong bansa.

Pero pagsapit ng taong 2028, magkakaroon ang Pilipinas ng shortfall ng mahigit 120,000 hotel rooms.

Bunga nito, hinihimok ng DOT ang mga investor na maglagak ng puhunan sa pagpapatayo ng mga hotel.

Umaapela rin ang DOT ng karagdagang investments sa aviation at airport infrastructure sectors sa harap ng patuloy na pagtaas ng demand sa domestic at international travel.

Facebook Comments