Pilipinas, nanganganib na matanggal bilang miyembro ng Human Rights Council

Manila, Philippines – Nanganganib na matanggal bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council ang Pilipinas.

Katwiran ng international group na human rights watch, sapat ng dahilan ang halos araw-araw na patayan sa anti-drug war ng gobyerno.

Paliwanag pa ni John Fisher, Advocacy Director ng Human Rights Watch, nilalabag ng Pilipinas ang obligasyon nito sa konseho.


Ang UN Human Rights Council ang konseho sa loob ng United Nations na responsable sa pag-promote at pagprotekta sa karapatang pantao sa buong mundo.

Isa ang Pilipinas sa 47 member states na inihahalal sa tatlong taong termino.

At sakaling matanggal ang Pilipinas sa konseho, malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Pero depensa naman ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, tinanggap naman ng Pilipinas ang report ng council.

Pero iginiit nito na walang kinalaman ang gobyerno sa mga sinasabing patayan.

Facebook Comments