Pilipinas, nangulelat sa usapin ng ‘most powerful passport’ sa buong mundo

Nangulelat ang Pilipinas sa usapin ng ‘most powerful passport’ sa buong mundo ngayong 2021.

Ito ay matapos bumagsak sa ika-82 pwesto ang Pilipinas mula sa 116 mga bansang naglaban-laban.

Ibinatay ang resulta sa 2021 Henley Passport Index.


Noong nakaraang taon, nasa ika-77 pwesto ang Pilipinas at ika-74 bago pa nito.

Ang Philippine passport holders ay may access sa 66 travel destinations kahit walang visa.

Nakabase ang ranking sa exclusive data mula sa International Air Transport Association.

Facebook Comments