Nanguna ang Pilipinas sa mga lugar sa Asia Pacific Region na pinakamatinding naapektuhan ng pagtigil ng mga pagbiyahe dahil sa epekto ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa ginawang pag-aaral ng market research company na YouGov at travel leisure platform na Klook, nasa pinakamataas na pwesto ang Pilipinas mula sa 13 mga lahi sa Asia Pacific na nagsabing ikinalungkot nilang hindi sila nakabiyahe nitong nakalipas na mga buwan.
Habang 89% naman ang nagsabing nalungkot sila matapos hindi makabiyahe para makapiling ang kanilang pamilya.
Ang Pilipinas ay sinundan ng Indonesian at Malaysian na mayroong 87%, Australian na 86% at Hong Kong citizens na 85%.
Facebook Comments