Pinatumba ng Pilipinas ang Thailand sa bansang may pinakamahabang oras sa paggamit ng internet sa buong mundo.
Base sa digital 2019 report na inilabas ng social media management platform na Hootsuite at creative agency na ‘We Are Social’, lumalabas na ang mga Pilipino ay gumugugol sa internet ng 10 oras at dalawang minuto kada araw nitong 2018.
Mataas kumpara sa siyam na oras at 29 na minuto noong 2018.
Ang Thailand ay bumaba na sa ikatlong pwesto na may average time online na 9 hours at 11 minutes habang nasa ikalawang pwesto ang Brazil na may 9 hours at 29 minutes.
Napanatili rin ng Pilipinas ang pangunguna nito sa mga bansang matagal gumamit ng social media na may average na apat na oras at 12 minuto.
Kasunod ng Pilipinas na may mahabang oras sa paggamit ng social media ay ang Brazil at Colombia.
Ang mga devices na ginagamit ng mga Pilipino sa pag-access ng internet ay kadalasang laptop, desktop, tablet, maging ang mobile phones.